ESTUDYANTE ROLES NA PRESENT SA BAWAT SCHOOL CAMPUS


It’s back to school season! May ibang students na nagsimula na ang school year last June pero may iba, lalo na ang mga college students, na magsisimula pa lamang ngayong August. Kaya naman, welcome back to the world of quizzes, exams, projects, papers, and school social life!

But before you enjoy another school year, pag-usapan muna natin ang iba’t ibang student roles na siguradong present sa bawat school campus. At kung estudyante ka, siguradong may friend ka – kahit isa man lang sa classroom o barkada mo – na ganito ang role sa life.

  1. Estudyanteng Raketera ng Taon

Maraming students ang may raket tulad ng online shop, part-time job, o magtinda ng kung anu-ano para lang kumita at maitaguyod ang pag-aaral. Basta may chance kumita at magka-extra allowance, push lang ng push para sa ekonomiya!

Sila ang mga students na magaling sa time management. Imagine kaya n’yang i-balance ang work at student life. Ang role nila sa buhay? Ipakita kung anong kayang gawin basta may sipag at tyaga.

  1. Estudyanteng Achiever ng Taon

Sila ‘yung tipong “average grade is never-enough-for-me” ang peg dahil mga apo ni Einstein pagdating sa katalinuhan.

But more than the grades, nag-aaral sila ng mabuti para sa kinabukasan. Minsan, may pagka-nerd o madalas naman sadyang natural na mataas ang IQ. Kaya naman, achieve na achieve ang mga academic awards dahil ginagampanan nila ng maayos ang role nila bilang student.

  1. Estudyanteng Star ng Taon

Bawat campus, may famous, may star! Sila ang mga atleta, mga lalaki at babaeng bukod na pinagpala, magaling sumayaw, kumanta, mag-gitara, o ang mga tinaguriang campus crush. ‘Yung tipong papasok pa lang sa gate ng school, naka-abang na ang fans. Bawat ngiti, praktisado kung saang angle mas maganda ang kilay o mas prominent ang jaw line.

Ang role naman nila sa life – bukod sa sumikat – ay mag-inspire ng ibang tao. May mga students na tamad pumasok pero once na classmate si crush, 30 minutes before lecture time, siguradong nasa classroom na ‘yan.

  1. Estudyanteng Leader ng Taon

Pioneers and movers—sila ang mga student council at group leaders na ang role talaga nila ay mag-lead o mag-initiate ng gawain para sa grupo o kaya maging kinatawan ng estudyante sa mga programa na kelangan ng buong campus.

Mabigat ang responsibilidad nila at mataas ang expectations kaya nga naba-badtrip ang iba kung may student council na wala man lang nagawa para sa campus sa buong taon o group leader na mas marami pa ang utos kesa sa nagawang contribution para sa group project.

Iba’t iba man ang role ng isang estudyante, tiyak na may Gardenia Cream Roll na swak sa panlasa at may iba’t ibang flavors na bagay sa kahit anong activity whether at home, at school, or anumang raket na meron ka. Para sa sweet cravings mo, may Chocolate, Cookies n’ Cream, Rocky Road, Choco Strawberry, at Butter Sugar. Kung savory naman ang hanap mo, mayroon ding Cheese Pimiento at Pizza variants kaya for sure, magiging favorite mo lahat!

Alam mo ba na para itong ice cream sandwich? Subukang ilagay sa chiller for 2 hours at may instant ice cream sandwich ka na for only Php10. Gawa ito ng Gardenia kaya talagang malambot ang bun na may tunay na creamy goodness na filling!

So, anuman ang role mo, chill lang. Gampanan ang bawat role with a “winner attitude” na ITO ANG ROLE KO, KAYA KO!